Ukit
In homage to her father Salvador Leano, Lani Leano Mallorca wrote this poem and sent it to the Bantayog ng mga Bayani Foundation late in 2010, upon learning of her father's inclusion in Bantayog's roster of martyrs and heroes. It was patterned after Pete Lacaba's poem The Nameless.
With Apologies to Jose Lacaba's “The Nameless”
Silang walang pangalan
Mukha’y mahirap tandaan
Di pansin ng lipunan
Tinapak - tapakan
Niyurak-yurakan
Ng may kapangyarihan!
Isa na kaya riyan
Ating mahal na lumisan?Wala nga bang nakakaalam?Walang nakikialam?Sila nga bay kinalimutanNg madla’t sambayanan?Kung wari ay limot manInaalala din namanNitong Bantayog na samahanSila’y ating pasalamatan!Sa lahat po ay higitDiyos Amang nasa langitSa nang-aapi’y nagngitngit!Mahal niya ang maliliit!Di Niya hahayaanNa mapabayaanDugo’t buhay na inalayNitong ating mga mahal!Sa Banal na KasulatanAting matutunghayanAnghel o hayup manMay mga pangalan!Kahit nga ang lebyatanSa gitna ng karagatanMga bituing maririlagNgala’y Kanyang tinatawag!Tayo pa kayaMababale-wala?Tayong pinaka-obraSa buong likha Nya?Kung sa unang tinginParang di pansinAting pakalimiinAting pakanamnaminAtin pong pakingganWika ng Kasulatan,Ito’y kanyang paalalaSa sangkatauhan“Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak?Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal?Kung inang lumilimot sa anak ay mayroon man,Kahit sandali, ika’y di kakalimutan.Hinding-hindi malilimutan.Nakaukit sa aking palad ang iyong pangalan!Di ba walang kasingtamisSalita ng ating Ama?Pinapawi yaong hapisTakot at pangamba!Walang sinumang taoAng walang pangalanPagkat ang Diyos AmaInukit na Niya,Sa kanyang palad paDi na mabubura!Ngalan mo, ngalan koMahal Niya tayo!Sa mga mapang-apiIto ang masasabiKami ay may kakampiMatatapos na ang gabi!Tayo nga’y tulong –tulongAt patuloy na isulongKatotohan, katarunganKapayapaan, kalayaan!Ikaw na nag-akalaNa wala ngang pangalanSa mundong ibabaw na ginagalawanSana’y maging aral itong munting tulaAma nating nasa langitLagi kang sinasambitAt di kakalimutanMagpakailan pa man!
Category:
Download Resources:
Related Martyrs & Heroes:
- 241 reads




Comments
lyndon molino
March 7, 2012 - 11:50am
Permalink
ang ganda naman ng tula mo,
ang ganda naman ng tula mo, ma'am leilani. hindi lamang ako humahanga sa kabayanihan ng iyong ama at ng iba pang mga bayani at martir na lumaban sa diktadurya, hanga rin ako sa iyong akda na nagpapaalala sa ating lahat na huwag makalimot kailanpaman.
Add new comment